GRAMATIKA AT RETORIKA PDF

Ang wika o mga salita ay dapat naiintindihan ng tagapakinig. Ang gumagamit nito ay nangungusap sa wika ng ngayon, hindi ng bukas o kahapon. Ang iba pang sangkap ng retorika tulad ng paksa at paraan ay laging naiimpluwensyahan ng kasalukuyang panahon. Baguhin mo ang at magbabago rin ang retorika. Nilalayon nitong tumalon mula sa realidad sa mapaglarong mundo ng imahinasyon ng awdyens.

Author:Meztiran Vuzshura
Country:Tanzania
Language:English (Spanish)
Genre:Love
Published (Last):15 November 2015
Pages:298
PDF File Size:15.49 Mb
ePub File Size:15.67 Mb
ISBN:881-4-51209-616-9
Downloads:61846
Price:Free* [*Free Regsitration Required]
Uploader:Arashisar



Lartec University of the Cordilleras Gemma M. Upang matamo ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral, isa ang kakayahang panggramatika sa mga aspektong dapat malinang sa kanila. Mahalaga kung gayon ang pagsipat sa kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral upang umagapay sa naturang layunin ng kurikulum sa Filipino. Sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng mga tuntunin ng wika tungo sa malinaw at maayos na pagsusulat at pagsasalita, nararapat na gumawa ang guro ng pagtataya sa kanilang kakayahang panggramatika upang matukoy niya ang mga kahinaan ng mga mag-aaral sa gramatika at mabigyan ito ng diin at lunas sa kanyang pagtuturo.

Kailangan din ang mga pagsasanay sa gramatika upang ganap na matutuhan ng mga mag-aaral ang mga tuntunin ng wikang pinag-aaralan. Nilayon ng pananaliksik na isinagawa sa University of the Cordilleras, Taong-Aralang na tukuyin ang antas ng kakayahang panggramatika sa Filipino ng mga mag-aaral; ilarawan ang pagkakaiba ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa mga bahagi ng panalita; at kilalanin ang pagkakaiba ng antas ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral ayon sa kolehiyo at unang wika.

Natuklasang hindi pa ganap na nalilinang ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral; magkakaiba ang antas ng kanilang kakayahang panggamatika sa mga bahagi ng panalita; at may kaugnayan ang kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral sa kanilang kakayahang panggramatika ngunit walang kaugnayan dito ang kanilang unang wika.

Keywords: kakayahang panggramatika, kakayahang komunikatibo, pagtataya, salitang pangnilalaman, salitang pangkayarian tangkoyob journal Vol 6 No. Sa depinisyon, isang katangian ng anumang wika ang pagkakaroon ng sistema: sistema ng mga tunog at mga kahulugan.

Kapag ang sistema ng wika ay malalabag, magreresulta ito sa mali o malabong pahayag na labis na nakakaapekto sa daloy ng komunikasyon. Ang bawat wika ay may mga tuntuning sinusunod na tinatawag na balarila o gramatika. Ang isang mag-aaral kung gayon ay dapat na marunong sa mga tuntuning ito upang magamit niya nang tama ang wika sa pagpapahayag, pasalita man o pasulat.

Samakatuwid, kailangan ang paglinang sa kakayahang panggramatika ng mag-aaral dahil mahalaga ito sa pagkakaroon ng kakayahang komunikatibo ng mag-aaral. Sinuportahan ito ni Lachica sa pagsasabing mahalaga ang ginagampanan ng gramatika sa pagpapahayag.

Hindi sapat ang tamang pagpili ng mga salita lamang sa pagpapahayag bagkus kailangan ding nasusunod ang wastong kaayusan ng mga salita. Kanyang binanggit na napakahalagang magsama ang tamang pagpili ng mga salita na siyang sakop ng retorika at ang tamang kaayusan ng mga salita na siya namang sakop ng gramatika. Samakatuwid, kailangang masanay ang mga mag-aaral sa tamang pagpili at tamang pagsasaayos tungo sa masining nilang pagpapahayag. Ang paglinang ng kakayahang panggramatika at kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral ay nakasaad sa Binagong Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon.

Ang mga asignaturang Filipino sa kolehiyo ay dapat lumilinang sa pagkakaroon ng mga mag-aaral ng mga kasanayan sa wika. Ang Filipino 1 Komunikasyon sa Akademikong Filipino ay nakatuon sa paglinang sa kakayahan ng mga mag-aaral na gamitin ang wikang Filipino sa akademikong diskurso; ang Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik ay nakatuon pa rin sa pagtatamo ng higit na mataas na antas ng kakayahang komunikatibo upang magamit sa lalong masaklaw na aspekto ng pananaliksik; at ang Filipino 3 Masining na Pagpapahayag ay nakatuon sa paggamit ng kakayahan sa wika sa masining na pagpapahayag.

Kung pagbabatayan ang mga pokus ng tatlong nabanggit na kurso, binibigyang-pansin sa mga ito ang paglinang sa kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral tungo sa pagkakaroon nila ng kakayahang komunikatibo. Hindi masasabing may kakayahang pangkomunikatibo ang mga mag-aaral kung kulang ang kanilang kakayahang panggramatika dahil isang pangangailangan ito sa pagkakaroon ng kakayahang komunikatibo.

Kasama nito ang kakayahang estratehikal, kakayahang sosyolinggwistika, at kakayahang magpahayag. Sa paglinang ng kakayahang komunikatibo at panggramatika ng mga mag- aaral, dapat na gumawa ang guro ng pagtataya upang matiyak na nalilinang sa mga mag-aaral ang mga kasanayang dapat malinang sa kanila.

Sinabi ni Madsen na magkatuwang ang pagtuturo at pagtataya sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Layunin ng pagtataya na tuklasin kung gaano ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa anumang kasanayan o aralin pagkatapos ng ginawang pagtuturo.

Magagamit naman ng guro ang mga resulta ng pagtataya bilang batayan sa pagsasagawa ng mga pagbabago sa kanyang pagtuturo at sa sarili. Bukod dito, malalaman ng guro ang mga kahinaang dapat lapatan ng lunas gayundin ang mga kalakasang dapat pang paunlarin sa mga mag- aaral.

Idinagdag pa na nakatutulong ang pagtataya sa pagkatuto at pagiging bihasa ng mga mag-aaral sa pangalawang wika sa pamamagitan ng paglikha ng positibong pananaw sa kanila.

Ang mga nabanggit ang nag-udyok sa mga mananaliksik upang pag-aralan ang kakayahang panggramatika sa Filipino ng mga mag-aaral sa University of the Cordilleras. Nilayon ng mga mananaliksik na tukuyin ang antas ng kakayahang panggramatika sa Filipino ng mga mag-aaral; makilala ang pagkakaiba ng kakayahang panggramatika sa mga bahagi ng panalita; at, panghuli, maihambing ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral ayon sa kanilang unang wika at kolehiyong kinabibilangan.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mabibigyan ang mga mananaliksik at mga guro ng Filipino ng mga kaalaman tungkol sa kasanayang panggramatika ng mga mag-aaral lalo na ang mga dapat bigyang-diin sa pagtuturo. Magagabayan ang mga guro sa kung ano-ano ang mga magiging layunin sa pagtuturo ng wika, mga angkop na gawaing lalong lilinang sa kakayahang panggramatika at komunikatibo ng mga mag-aaral pati na ang mga angkop na kagamitan sa pagtuturo upang mapataas ang kasanayang pangwika ng mga mag-aaral.

Makatutulong din ang pag-aaral sa mga mag-aaral dahil mababatid nila ang mga kahinaan na dapat pa nilang pagsikapang pag-aralan gayundin ang mga kalakasan na dapat nilang pag-ibayuhin. Pamaraan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay isang palarawang pag-aaral.

Sa pamamagitan ng mga iskor ng mga respondente sa pagsusulit sa gramatika, inilarawan ang tangkoyob journal Vol 6 No. Naging respondente ang mga mag-aaral na nasa unang taon ng University of the Cordilleras na kumuha ng mga asignaturang Filipino at nakapagpatala sa Ikatlong termino, Taong Aralang Hindi kasama ang College of Nursing dahil hindi ito kabilang sa programang traymestre at maaga silang nagbabakasyon kaya maaaring magkaroon ng suliranin sa pangangalap ng datos mula sa kanilang kolehiyo.

Ginamit na sampling teknik ang purposive at random sampling. Pinili ang dalawang block section mula sa bawat kolehiyo at mula rito ay bumunot ng tig respondente na isinama sa pag-aaral.

Napagkasunduan ang bilang na 30 dahil bagamat 40 estudyante ang karaniwang laki ng bawat klase, baka may mga hihinto sa kalagitnaan ng termino kung kailan naibigay ang pagsusulit sa mga mag-aaral.

May kabuuang mag-aaral ang naging respondente sa pananaliksik na ito. Ginamit na instrumento ang pagsusulit sa gramatika na nakapokus sa mga bahagi ng panalita. Naging batayan ang pagpapangkat ni Santiago sa mga bahagi ng panalita, ang mga salitang pangnilalaman at mga salitang pangkayarian. Kabilang sa mga pangnilalaman ang mga pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, at pang-abay. Sa kabilang dako, kabilang sa mga pangkayarian ang mga panandang pantukoy, pangawil, at pang-ukol gayundin ang mga pang-ugnay na pangatnig at pang-angkop.

Nakatuon lamang sa morpolohiya, sintaktika, at semantika ng Filipino ang pag-aaral. Hindi kasama ang kakayahan ng mga mag-aaral sa ponolohiya ng Filipino dahil ang pag-aaral ay hindi sa aspektong pagsasalita ng mga mag-aaral. Ang mga mananaliksik ay gumawa muna ng talaan ng ispisipikasyon bago ang pagbuo ng pagsusulit upang matukoy ang mga aspekto ng bawat bahagi ng panalita na dapat pagtuunan ng pansin gayundin ang bilang ng aytem at bahagdang inilaan para sa bawat bahagi ng panalita.

Bumuo sila ng kabuuang bilang na tanong tungkol sa gramatika. Lahat ng aytem ay kabilang sa pagsusulit na pagpipili-pili o multiple choice. Bago ang pagbibigay ng pagsusulit sa mga respondente, idinaan muna ito sa pagsusuri ng mga aytem item analysis upang matiyak na balido ang mga aytem. Gamit ang test-retest, tiniyak ding mapanghahawakan ang tangkoyob journal Vol 6 No. Lumabas na napakataas ang reliability nito sa iskor na 0.

Ang mga mananaliksik mismo ang nagbigay ng pagsusulit sa tulong ng iba pang guro ng Filipino pagkatapos na humingi ng pahintulot sa dekana ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro.

Naglaan ng isang oras at dalawampung minuto para sa pagsagot ng mga mag-aaral sa na aytem. Sa pagtukoy sa antas ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral, ginamit ang pagkuha ng mean at pagraranggo upang matukoy ang kakayahan nila sa mga aspekto ng bawat bahagi ng panalita. Ginamit ang 5-point scale na may deskripsyong napakababa, mababa, katamtaman, mataas, at napakataas.

Ginamit naman ang F-test at Post-Hoc Analysis upang makita kung may makabuluhang pagkakaiba ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa mga salitang pangnilalaman habang T-test ang ginamit upang makita kung may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kakayahan sa mga salitang pangkayarian.

Ang F-test naman ang ginamit upang makita kung may kaugnayan ang mga salik na kolehiyo at unang wika sa kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral. Sinukat ang antas ng kabuluhang pagkakaiba sa. Resulta at Pagtalakay Mababasa sa bahaging ito ang presentasyon, analisis, at interpretasyon ng mga datos upang masagot ang mga suliranin ng pag-aaral; kabilang dito ang antas ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral ng Filipino sa University of the Cordilleras; ang pagkakaiba ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa mga bahagi ng panalita; at panghuli, ang pagkakaiba ng antas ng kasanayang panggramatika ng mga mag-aaral ayon sa kolehiyo at unang wika.

Antas ng Kakayahang Panggramatika sa Filipino ng mga Mag-aaral Pinangkat ang mga bahagi ng panalita sa dalawa ayon sa pagpapangkat ni Santiago Una ang mga salitang pangnilalaman at pangalawa ang mga salitang pangkayarian. Ang mga salitang pangnilalaman ayon kay Santiago ay tumutukoy sa mga nominal pangngalan at panghalip , mga pandiwa at mga panuring pang-uri at pang-abay. Ang mga ito ang nagtataglay ng pangunahing ideya ng pahayag kaya tinatawag na pangnilalaman.

Kabilang naman sa mga salitang pangkayarian ang mga pang-ugnay pangatnig at pang-angkop at mga pananda pangawil, pantukoy, at pang-ukol. Makikita rito na pinakamataas ang over-all mean ng mga mag-aaral sa panghalip 3. Talahanayan 1. Napakahalaga ang ginagampanan ng mga panghalip sa pagpapahayag dahil madalas itong gamitin bilang pamalit sa mga pangngalan.

Ang madalas na paggamit nito sa pahayag ang isang nakikitang dahilan kaya mataas ang kakayahan ng mga mag-aaral dito. Bukod pa sa nabanggit, isa ang panghalip sa mga nabibigyan ng pokus sa pagtuturo ng wika simula pa sa elementarya.

Ang resulta ng pag-aaral ay sumasalungat sa natuklasan ni Lartec sa kanyang pag-aaral na nanguna ang panghalip sa mga kamalian ng mga mag-aaral at nangangahulugang walang gaanong kahusayan ang mga ito sa mga panghalip. Salungat rin ang resulta sa pag-aaral ni Tibagacay Kanyang natuklasan na pumangalawa sa ranggo ng mga kamalian sa sintaktika ang mga kamalian sa panghalip na nangangahulugang hindi mataas ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga panghalip sa pagpapahayag.

Kung pagbabatayan ang over-all mean na 3. Nagpapahiwatig lamang ang resulta na may kasanayan ang mga mag-aaral sa pang-uri. Kapag nasasanay ang mga mag-aaral sa paggamit nito, nadaragdagan ang kanilang kaalaman dito upang masuri rin ang pagkagamit nito sa pasulat na anyo. May kaugnayan ito sa pahayag nina Canale at Swain na kailangang magtaglay ang mga mag-aaral ng kaalaman sa kayarian ng salita at tangkoyob journal Vol 6 No.

Dapat nilang maunawaan kung paano nabubuo ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salita. Ayon kay Maglaya , sa pagtuturo ng wika gaya ng Filipino mula elementarya hanggang sa kolehiyo, pangunahing layunin nito ang paglinang sa kakayahan ng mga mag-aaral na magamit ang wika sa lalong maayos, masining, malikhain, makabuluhan, mabisa, at masaklaw na paraan, pasulat man o pasalita.

Ang kabuuhang resulta sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pang-uri ay sumang-ayon sa natuklasan ni Epistola na nagsasabing kakaunti ang kamalian ng mga mag-aaral sa pang-uri. Nangangahulugang may taglay na kaalaman din ang kaniyang mga naging respondente sa tamang paggamit ng pang-uri. Lumabas din sa pag-aaral ni Tibagacay na panghuli sa ranggo ng mga kamalian ang mga kamalian ng mga mag-aaral sa pang-uri. Kapansin-pansin naman ang katamtamang iskor ng mga mag-aaral sa pangngalan.

Masasabing may kahusayan bagamat hindi mataas ang kakayahan ng mga mag-aaral dito. Ang resulta ay sumasang-ayon sa natuklasan ni Lartec na ang mga gurong mag-aaral ay hindi gaanong nagkakamali sa paggamit ng pangngalan sa kanilang pagpapahayag na nangangahulugang may katamtaman silang kasanayan sa paggamit nito. Salungat naman ito sa resulta ng mga pag-aaral nina Taguba , Tibagacay , Hufana at Minong at Lartec ; kung saan, natuklasang may kahinaan sa pangngalan ang mga mag-aaral dahil kabilang ito sa mga nanguna sa ranggo ng mga kamalian nila sa pagpapahayag.

Katamtaman din ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pandiwa at pang- abay na nasa pang-apat at panlimang ranggo. Indikasyon ito na medyo nahirapan ang mga mag-aaral sa pag-unawa ng mga tuntunin sa gamit ng mga pandiwa at pang-abay kaya kailangan pa nila ng karagdagang pagsasanay. Nahirapan ang mga respondente sa mga aytem hinggil sa pandiwa dahil sadyang mahirap na paksa ito para sa mga mag-aaral lalo na ang tungkol sa pokus at kaganapan ng pandiwa. Ang resulta ay sumasang-ayon sa pag-aaral nina Hufana , Hufana at Minong , Taguba , at Lartec Sa naunang tatlong pag- aaral, nanguna ang mga kamalian sa pandiwa sa mga kamaliang leksikal habang pumangalawa naman sa pag-aaral ni Lartec.

Bagamat Ingles ang tuon ng naunang tatlong pag-aaral, ipinapakita pa rin na nahihirapan ang mga mag-aaral sa bahaging ito ng panalita. Ang naging resulta ng pagsusulit sa pang-abay ay sinasang-ayon naman ng natuklasan ni Tibagacay kung saan ay nanguna ang mga kamalian sa tangkoyob journal Vol 6 No. Ibig sabihin na may kahinaan sila sa paggamit ng mga pang-abay sa pagpapahayag. Salungat naman ang resulta sa natuklasan ni Epistola sa kanyang pagsusuri ng mga kamalian sa pagsulat ng mga mag-aaral din ng Baguio Colleges Foundation.

Lumabas sa pag-aaral na pinakamababa ang bilang ng mga kamalian sa pang-abay sa ilalim ng mga kamaliang leksikal. Nangangahulugang may kahusayan ang kanyang mga respondente sa paggamit ng mga pang-abay sa pagsulat.

FRETBOARD THEORY SERNA PDF

Gramatika at Retorika

.

FRENEMIES TWILIGHT PDF

.

APGENCO MODEL PAPERS FOR ELECTRICAL PDF

.

Related Articles